Nasaan si JONAS?

•April 29, 2009 • Leave a Comment

Isang irony na maituturing ang kaso ni Jonas Burgos, isang manggagawang bukid-organizer ng mga magsasaka sa bahagi ng Bulacan. Graduate ng kursong agrikultura, malaon na siyang tumutulong sa mga magsasaka. Hanggang sa noong ika-28 ng Abril nang nakaraang taon, pwershan siyang dinukot ng mga di-kilalang tao sa isang mall sa lungsod Quezon at isinakay sa isang kotse na kalaunan ay nakitang nakagrahe sa isang detachment ng army.

Ayon sa militar, si Jonas umano ay miyembro ng New People’s Army at umano ay nagrerekrut sa ng mga magsasaka. Sa pananalita ni Gen. Palparan, sila ay natutuwa dahil ito daw ay kawalan sa kampanya ng mga rebelde, bagama’t malinaw nilang itinanggi na sila ang dumukot dito. Hanggang sa isang testigo ang nagbunyag na ang ginamit na sasakyan ay nakagrahe sa isang detachment ng army at sa di maipaliwanag na dahilan ay biglang naglaho ang plaka ng tinutukoy na sasakyan.

Ironic ngang maituturing na ang isang taong malaon nang kaagapay ng mga ordinaryong magsasaka, lehetimong community organizer, at anak ng isang dakilang tagapag-tanggol ng kalayaan (si Joe Burgos, mamamahayag at bayani ng martial law) ay siya ngayong nasasadlak sa paniniil at pasismo ng estado.

Magdadalawang taon na ang lumipas ngunit patuloy ang paghahanap at mangungulila ng isang ina, sa katauhan ni Gng. Edita Burgos, ng kanyang pamilya at nang sambayanan. Bagama’t malinaw nang tinuturo ng ebidensya at sirkumstanya sa militar ang responsibilidad sakrimen, heto’t patuloy na mailap ang hustisya. Ito ay sa kabila ng findings ng Alston report, Melo Commission at sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkondina ng iba’t-ibang sektor sa gobyerno at pagpapaabot nito sa internasyunal na kaalaman. Sa katunayan ay napaupo pa sa Kongreso ang berdugong si Palparan.

Ironic. Ganito na ang inabot ng laban ng mga bayani ng rebolusyon, ng mga nangahas ang nagbuhis ng buhay para sa pambansang kalayaan. Ang mga makasalanan ay ginagantimpalaan at ang mga biktima ay patuloy na nagdurusa.

Pag-abante ng mga Sektor sa Parlyamento

•April 23, 2009 • Leave a Comment

Noong Martes ay ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagpapa-upo sa karagdagang 33 representante ng iba’t-ibang partylist groups na nanalo noong 2007 mid-national elections. Mula sa kasalukuyang bilang na 22, inaasahang mapaparami atmapapalakas pa nito boses ng mga sektor sa mababang kapulungan. Kabilang sa mga maidadagdag ang tig-iisa pang representante para sa makabayang partylist, ang Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis at pagpasok ng isang representamte mula sa natatanging partylist ng kabataan, ang Kabataang Pinoy Party (dating Kabataan partylist).

Tagumpay ng partylist

Ang tagumpay na ito ay nagbunsod sa petisyon ng BM,Anakpawis at Gabriela sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang Panganiban-COMELEC rule sa pagtiyak ng bilang ng mga mananalo. Nakasaad rito na ang mga partylist lamang na umabot sa 1 porsyento ng kabuuang boto para sa partylist ang siyang mabibigyan ng pwesto at karagdagang isa pa sa bawat isang porsyentong kargadgan sa boto, kung kaya’t nagkaroon ng 3 ang BUHAY partylist (nanguna sa boto) at may tig-dalawa ang Bayan Muna, Gabriela at CIBAC.

Ayon sa korte, ito ay unconstitutional sapagkat taliwas ito sa isinasaad ng Konstitutusyon na nagtitiyak ng kauukulang bilang ng mga partylist sa Kongreso hanggang sa 20 porsyento, bagamat sinabi rin nito na mananatili ang ceiling o takdang bilang sa hanggang 3-representante ang papahintulutang makaupo sa kada partylist upang maiwasan ang dominasyon ng alin mang partido. Ayon sa korte,

“In declaring the two percent threshold unconstitutional, we do not limit our allocation of additional seats in Table 3 below to the two-percenters.  The percentage of votes garnered by each party-list candidate is arrived at by dividing the number of votes garnered by each party by 15,950,900, the total number of votes cast for party-list candidates.  There are two steps in the second round of seat allocation. First, the percentage is multiplied by the remaining available seats, 38, which is the difference between the 55 maximum seats reserved under the Party-List System and the 17 guaranteed seats of the two-percenters.  The whole integer of the product of the percentage and of the remaining available seats corresponds to a party’s share in the remaining available seats.  Second, we assign one party-list seat to each of the parties next in rank until all available seats are completely distributed.  We distributed all of the remaining 38 seats in the second round of seat allocation.  Finally, we apply the three-seat cap to determine the number of seats each qualified party-list candidate is entitled.” 

Sa nasabing desisyon, tuluyan ring ipinagbawal ng korte ang pagsali ng mga malalaking political parties sa partylist, maliban sa mga sectoralwing nito.

Dis-bentahe

Bagama’t ito ay bentahe sa mga lehitimong at makabayang partylist, dagok naman ang mapasama sa listahan ng posibleng makaupo ns si dating heneral at berdugong si Jovito Palparan sa pamamagitan ng nagaastang partylist ang BANTAY na umano ay mga loyalista ng yumaong diktador Maros. Walang karapatan ang isang mamamatay tao at pangunahing utak sa malawakang extrajudicial-killings sa bansa na makaupo sa Kongreso. Ito ay tuwirang insulto at sampal sa mga biktima at pamilya ng mga biktima at nagpapatingkad pa sa inhustisyang panlipunan at sa kabulukan ng demokrasya, na kung sino pa ang makasalanan ay siya pang nakakaupo sa kapangyarihan. Kung kaya’t iginiit rin ng iba’t ibang sektor ang kagyat pagbasura kay Palparan sa pagkakaupo sa pwesto.

Hinango: http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2009/april2009/179271.htm

Latak ng Imperyalismo at Pasismo

•April 16, 2009 • Leave a Comment

Sa araw na ito, nakatakda ang pagsisimula ng panibagong edisyon sa serye ng Balikatan Exercises ng gobyernong US-Arroyo sa bahagi ng Bicol at Timog Katagalugan. Ang pinagmamalaking ehersisyong militar sa pagitan ng pasistang pwersa ng kano at ng reaksyunaryong pwersa ng AFP/PNP ay naglalayon umano na mahasa pa sa taktikang militar ang mga lokal na reaksyunaryo satulong ng mga GIs at upang makapagbigay ng kaalaman ang mga sundalong Pinoy sa larangan ng guerilla warfare.

Naroon na tayo. Sa punto de bista ng gobyernong Arroyo, isa itong bentahe sa Pilipinas. Ngunit kung palalalimin, ito ay simpleng pagkapit sa desperadong linya. Direkta o indirekta, ang paghabig at patuloy na pagpapagamit sa at panggagamit na ito sa Estados Unidos ay patunay ng latak ng mga labi ng pasistang rehimen ng mga Kano sa bansang tinuring nitongPerlas ng Silangan. Sa pagiisa-isa ng mga bagay-bagay na pinupuntirya ng US sa Pinas, masasalamin dito ang lalim ng pagnanasa nitong makontrol, kung di man ay patuloy na maimpluwensyahan ang gobyerno at maging ang opinyong ng sambayanan upang makapanatili ito sa puder bilang pinamakapangyarihan sa buong mundo.

Una, kung susumahin ang tinuran ng mga kano noong WW II, di na kaila kung ito man ay mangyayari sa ngayon. Kung dati ay sa paraang benevolent assimilation, ngayong ay sa pamamagitan ng ‘humanitarian aid’. Kung dati ay sangkatutak na mga purong militar, kabilang na sa pwersa nila ay mga doktor, guro, inhinyero, atbp. Naglulunsad sila ng mga medical mission at kung anu-ano pang pagpapa-pogi, ngunit kung titignan ng mabuti, hindi naman ito tumatagos sa sikmura ng mga mamamayan. Sampal rin na maituturing sa gobyerno ni Arroyo na kailangan pa ng mga banyaga upang matugunan ang lantarang kabulukan ng gobyerno sa pagbibigay ng mga batayang serbisyo ang mga mamamayan nito.

Pangalawa, bagama’t istrikto umanong sumusunod sa VFA o Visiting Forces Agreement, malinaw sa mga mamamayan sa mga lugar ng training exercises ang pagsabak ng mga pwersang kano sa operasyon o kung di man ay surveillance sa mga target ng AFP/PNP.  Patunay dito ang mga dokumentadong report sa Basilan at Sulu. Malinaw itong paglabag at pagyurak sa soberanyang ipinaglaban ng ating mga bayani.

Sistematiko ang mga hakbang na itong ng gobyernong US -Arroyo. Upang mabigyang bigat ang pagsagawa ng nasabing exercises, isinangkalan nila ang pagsasanay upang madurog ang mga tinagurian nilang mga terorista, ang Abu Sayyaf, NPA, MILF, atbp. Ito ay nakaankla pa rin sa kanilang programang War on Terror na tuwiran nilang ginamit upang samantalahin ang estratehikong pagpapalakas ng kanila pwersang dito sa bahagi ng Asya-Pasipiko.

Ang ibinubuyangyang ng US-Arroyo na kabutihan ng Balikatan at VFA  ay pagbabalat kayo at anyo ng mababangis na hayop, na kunya’y maamong mga tupa na tumutulong sa mga tao ngunit sa pagkagat ng dilim ay tuwirang panggagahasa sa mga kababaihan at sa soberanya ang tinuturan nito.

Ang kaso ni Nicole at ng iba pang mga kababaihang nasadlak sa pang-aabusong kano ay isang monumento ng paggiging baboy ng patakarang kano at ng reaksyunaryong gobyerno. Sa Bicol at sa iba pang lugar ng ehersisyo, nakumpirma ang organized prostitution na kung saan ay routinary ang pagpapapasok ng mga prostitute sa mga kampong kano.

Sa kabilang banda, pinatindi rin ng Balikatan at ng VFA ang paglabag sa karapatang pantao lalo na dito sa Timog Katagalugan bunsod ng tulong militar sa kagamitan kung saan ito ay pangunahing ginagamit sa pagdurog sa mga makakaliwang grupo tutol sa patakarang US-Arroyo, armado man o SIBILYAN.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang pagluto sa sambayanang Pilipino sa sarili nating mantika. Malinaw pa rin ang labi ng mga pasista at imperaylistang US sa Pilipinas at mananatili itong isang bangungot hanggat hindi nakipagkaisa ang lahat ng mulat na pwersa ng lipunan, ang mga kabataan, mga manggawa, magsasaka, kababaihan,atbp. upang madurog ang pasistang Estados Unidos.

STOP BALIKATAN!

US TROOPS OUT NOW!

JUNK VFA!

Red Tagging, aka desperasyon

•April 14, 2009 • Leave a Comment

Kamakailan lang ay sumambulat sa sangka-estudynatehan ng UPLB ang paglipana ng mga polyeto at babasahing nagtukoy sa mga umano’y suporter ng NPA at mga komunista na mga estudyante sa campus. Kasabay ito ng kakatapos lang na taunang USC-CSC elections kung saan nanguna na naman ang partido-alyansa Sakbayan knotra Buklod. Kabilang sa mga binansagan ay kung di man miyembro ng mga progresibong organisasyong tulad ng LFS at Anak Bayan, ay mga opisyal ng University Student Council. …at nanahimik na ang lahat.

Rebelyn at ang tiranyang militar ni GMA

•March 12, 2009 • Leave a Comment

Di pa man lumaon ng huling ipinagmayabang ni Gng. Arroyo sa kanyang pagbisita sa iba’t bang bansa ang bumabang bilang ng mga extrajudicial killings at pagkuha ng kredito dito ay heto’t sumambulat sa atin ang brutal na pagpaslang sa isang inosenteng sibilyan. Si Rebelyn Pitao, 20 taong gulang, isang substitute teacher sa St. Francis College sa Davao City ay pwersahang dinukot ng mga armadong lalake, gianhasa, at natagpuang patay sa isang kanal sa kabilang probinsya ng Davao del Norte. Si Rebelyn ay anak ni Leoncio Pitao aka Ka Parago na kumander ng isang kumand ng NPA sa Davao.

Malinaw na sa anumang kapasidad, ang tanging may motibo sa paggawa ng karumal-dumal na pagpatay na ito ay ang mga kalabang militar ng NPA. Dati nang mainit sa 10th IB ng AFP si Parago na siyang responable sa pagbihag sa ilang opisyal ng militar noong 1999. Ang paggiging tinik ni Ka Parago sa hangaring paghaharing militar sa Davao upang maprotektahan ang kapitalista at imperyalistang interes doon ay tuwirang ibinaling sa kanyang anak na si Rebelyn ang kanilang pagkaberdugo.

Bagama’t tuwiran ang pagtanggi ng militar, malinaw pa sa sikat ng araw ang bahid at motibo sa likod ng nasabing pamamaslang.– ang pahinain ang loob ng pamilya Pitao at nang sa gayon ay mapilayan ang kumand ni Ka Parago.  Ngunit sa pahayag ng huli, malinaw sa kanyang pananalita ang matikas na pagtindig sa prinsipyong kanilang pinaglalaban.  Sa katunayan ay mas lalo pang umigting ang kanilang kagustuhang puspusin ang armadong pakikibaka para sa katarungan at tunay na demokrasya.

Ang dagok na ito sa pamilya Pitao ay isa lamang sa maraming pamilya na naulila, nawalang, naghahanap, at patuloy na umaasang makakamit ang hustisya. Ang kasong ito ay patunay lamang ng patuloy na desperasyon ng pasistang estado upang tapanin ang animo’y bundok na malaon ng nakatindig. Desperasyon na gupuin ang armadong pakikibaka ng mga mamamayang malaon ng nagtitiis sa isang sistemang bulok.

Ang tanging kasalanan lamang ni Rebelyn ay naging anak siya ng tatay niya, kung di man ay nakakabit sa kanyang pangalan. Ngunit marahil sa pagaakalang ligtas siya sa pagiging sibilyan, mas pinili niyang mamuhay sa hayag at maglingkod bilang titser. Ngunit nagkamali siya. Ganito kaberdugo ang militar. Ganito kapasista si Gloria.

Pagpupugay sayo Rebelyn!

Usaping Pulitika sa Kampus

•February 26, 2009 • Leave a Comment

Sa simula ng taunang February Fair ng UPLB sumambulat ang isyu sa likod ng muntik ng pagkaudlot ng Fair. Bagama’t mas naging malinaw na nitong huli ang mga detalye sa totoong nangyari, pilit pa ring pinalilitaw ng iba’t ibang pwersa sa campus ang isyung ito na kung tutuusin ay sila rin mismo ang nagpasimula.

Feb Fair mess

Ang pagkuha ng permit para sa Fair ay pangunahaing responsibilad ng USC. Sila ang tanging may karapatan na makipag-ugnayan sa admin para marepaso ang mga requirements sa pagdaraos nito bilang mga organizers. Ngunit sa ilang dekada nang pagdaraos nito, heto’t nagmamaktol ang admin at nakikipagbargain sa USC, kasangkalan ang pagpapasubmit ng financial report bilang kundisyon sa pag-apruba sa MOA. Kasama rin sa nasabing MOA ang pagpapadaan sa Business Affairs Office sa pagkuha ng permit sa mga concessionaires. Sa huli, nauwi sa isang picket dialogue at protest blockade ang nangyri nong Feb 9, isang araw bago ang unang araw ng Fair. Mas naging komplikado lamang ang usaping ito nang may isang grupo, ang Buklod-UPLB ang pumasok sa eksena. Di umano ay nagbigay sila ng letter of support sa opisina ng chancellor at humiling na payagan nang matuloy ang fair, na kagyat niyang sinang-ayunan. Sa unang tingin, saving grace ang asta ng Buklod. Nagmalasakit sila kung kaya’t silay nag-initiate na sumuporta sa pamamagitan ng nasabing sulat. Ngunit sa malalimang pagsipat, traidor ang nasabing hakbang. Noong gabi bago ang Feb 9, nagpatawag ng isang Council of Student Leaders meeting sa SU, kabilang sa naroon ang grupo ng buklod. Naresolba sa nasabing pulong ang pagkakaroon ng silent picket/protest sa admin kasabay ng negosasyon sa admin. Ngunit taliwas sa napagkasunduan, gumawa ng sariling hakbang ang buklod na sa pagtingin ng kasalukuyang USC ay pag-bypass sa negotiating power nila. Bagama’t ‘in good faith’ umano ang nasabing inisyatiba ng buklod, di rin malayong isipin ng marami na ito  ay sumasapaw sa kapangyarihan ng USC. Sa usaping credit,  nagkaroon din ng pagpapaikot ng impormayson (thru text) na umano ay tuloy na ang fair gawa ng letter ng Buklod (galing ito mismo sa pangungusap ng bagong OSA director). Malinaw sa madali’t sabi, na binaypass nga ng Buklod ang USC sa usaping negosasyon sapagkat ang hinapag ng buklod sa sulat nila ay taliwas sa nilalaman ng kagustuhan ng USC at alinsunod sa napagusapan sa CSL. Sinasangayunan ng Buklod ang mga kundisyon ng admin gayong tinututulan ngUSC ang usapin patungkol sa isyu ng mga concessionaires na sa tinagal-tagal na ng Fair, tanging sa USC lamang nakikipagtransakyon ang mga manininda at hindi sa admin. Ano ngayon ang motibo sa likod ng pagbabagong ito? Malinaw na sa interes ng pinansya (kita) ng Fair natutuon ang admin. Pansinin na sa pamamagitan ng bond na ibinabayad ng mga manininda, nakakalikom ng pera ang usc para itustos sa mga gastos sa Fair at ang tira nito ay sa mga proyekto nito (eg. LCD projector, fund sa TERC  noong panahon ni Day Manzanilla). Upang ijustify ang puntong ito, sinangkalan ng admin ang pagpapasubmit ng financial report at isyu ng transparency sa pakikialam nito sa pagpapatala sa business affairs office. Muli, malinaw itong pakikialam sa internal na usapin ng USC at ng mga estudyante. Una, ang mga bond ng mga manininda ay hindi galing sa mga estudyante at panagalawa, USC ang organizer nito kung kaya’t marapat lang na makipagtransaksyon sa USC ang mga concessionaires at hindi direkta sa admin.  

Financial report

Isa pang matingkad na isyu ay ang financial report na naging overrated na excuse na ng admin. Malinaw pa sa sikat ng araw ang pusisyon ng USC na hindi sila mag-gigive in sa kundisyong dapat ay required ang financial report. Sa minimum, may limitasyon ang pagsubmit sa admin sapagkat hindi naman ito accessible sa mga estudyante, at sa maksimum at sa prinsipyo, accountable ang USC direkta sa mga estudyante, kung kaya’t marapat lang maipaabot ito sa malawak na bilang mga estudyante sa pamamagitan ng pagpublish sa Perspective.  Bagama’t sangayon sa USC Consti ng 1984 na dapat magpalitaw ng financial report, hin ito kailan man pwedeng gamiting sangkalan ng admin para ipitin ang mga aktibidad katulad ng Fair at gamitin ng Buklod at iba pang pwersa na propaganda sa kanilang gawaing oportunismo. Kung sa pagtingin ng admin na may anomalya sa posisyong pinanghahawakan ng USC, marapat na maghain sila ng paglilinaw sa usapin o sa maksimum ay magsampa ng reklamo kung sila ay seryoso at may basehan dito. Sa bahagi naman ng Buklod at ng iba pang “concerned student/party”, mangayari na sumaglit sa opisina ng mga kinauukulang institusyon at busisihin ang mga datos na ito at ng malinawan, at kung hindi kumbinsido, ay maghapag din ng reklamo sa kinauukulan. Isang karuwagan sa bahagi ng buklod at ng isang grupo ng fraternity ang magpalabas ng mga polyeto at statements, magpost ng mga mapanirang blog at magsagawa ng room-to-room campaign laban sa USC.

Political agenda  

Sa gitna ng katakot-takot at iba’t ibang porma ng black propaganda, naging matatag ang USC, SAKBAYAN at maging ang [P] sa pagsagot samga ito. Sa usaping integridad, muling pinatutunayan ng USC ang tindig nito sa mga paninira at pagsagka sa mga batikos ng mga oportunistang grupo. Karaniwan kasi, retalyasyon ang sagot ng iba sa mga aksyong ito, ngunit pinili ng USC at ng SAKBAYAN na sagutin sila sa mahinahon at maayos na paglilinaw sapagkat hindi nito tinatangan ang pormang antagonistiko at reaksyunaryo.  Sa ngalang ng kapangyarihan, malinaw na pawang PANINIRA ang ginagawa ng mga elementong ito sa hanay ng mga lider estudyante. Paninira upang masiguro na muli ay mabawi nila ang puder ng konseho at maisulong ang kanilang mga hangaring anti–estudyante at anti-mamamayan. Malinaw din na orkestrado ang ginagawang hakbang tulad ng black propaganda, sapagkat sa parallel na kampanya nilang i-discredit ang USC at SAKBAYAN. Kung titingnan, hindi lang sa mga isyung pangkampus uminog ang paninira nila, kundi maging ang lantay at kahuwarang alegasyong  

Higit kailanman, hindi tipo ng SAKBAYAN ang magresort sa black propaganda. Napatunayan na ito sa malinis na 13 taon track record nit0o, at sa halos sa ganoon ding katagal na paghawak nito sa konseho. Bahid ng malisya, alegasyon at oportunismo lamang ang tanging sumasagka sa mga layunin nitong makapaglingkod sa totohanan sa mga iskolar ng bayan simula ng hinamon ang alyansa ng mga bagong sibol na grupo, ang Buklod at Maiba noong 2005. At sa kabila ng pagkatalo ng SAKBAYAN sa Buklod, patuloy itong gumampan ng mahalagang papel sa pagkilos ng mga estudyante para ipagtanggol ang mga karapatan nito laban sa TOFI at komersyalisayon. Patunay ito ng CONSISTENCY ng SAKBAYAN sa pagtugon sa mga isyu sa campus at maging sa labas ng unbibersidad. Ina-affirm din nito, kasama ang mga tagumpay ng estudyante sa iba’t-ibang isyu,  na nasa tamang landas ang PRINSIPYO na pinanghahawakan ng SAKBAYAN.

Paglundo ng blog na ito

•February 10, 2009 • Leave a Comment

Bagama’t mahusay pa rin ang harapang pakikipagtalstasan at komunikasyon, alternatibo na sa panahon ngayon ang pagpapahayag sa internet. Bunsod ng makabagong teknolohiya, naengganyo rin ako na makipagsabayan sa mundo ng tila walang hanggang posibilidad ang pagkakataon na maiparating ang saloobin ko sa mga isyu at bagay-bagay na may kinalaman sa patutunguhan ng kasaysayan ng sangkaPilipinohan sa gitna ng krisi panlipunan.

Hello world!

•February 10, 2009 • Leave a Comment

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!